Patay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao at isa pang kasamahan nito matapos umanong lumaban sa mga pulis na umaaresto sa kanila sa Tandag City, Surigao del Sur kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Gen. Debold Sinas, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang opisyal ng rebelde na napatay na si Alvin Luque na umano’y tagapagsalita ng National Democratic Front of Mindanao at miyembro rin ng Executive Committee of Komisyon Mindanao (KOMMID).

Kinikilala pa rin ng pulisya ang isa pang kasamahan nito na napatay sa nasabing operasyon.

Aniya, may pabuya ang pamahalaan na P6 milyon para sa ikaaaresto ni Luque na umano’y pumalag nang arestuhin ito sa Hermenia’s Resort, Bgy. San Agustin Sur, dakong 1:15 ng madaling araw.

Eleksyon

Marjorie Barretto, Dennis Padilla parehong kinapos ng boto sa Caloocan

-AARON RECUENCO