Ang world’s longest-running TV soap opera, ang cosy working-class series ng Britain na Coronation Street, ay nagdiriwang ng 60 taon sa screen nitong Miyerkules.
Pealing cathedral bells, discussion sa parliament at stamps na nagtatampok ng mga tauhan ay kabilang sa mga espesyal na kaganapan na nagmamarka ng anibersaryo.
Ang serye na umiinog sa isang corner shop at pub sa isang kathang-isip na bayan sa hilagang England na tinawag na Weatherfield ay unang ipinalabas noong Disyembre 7, 1960.
Inaasahang tatakbo ito ng ilang buwan ngunit naging instant hit.
Kilala bilang “Corrie” for short, isang dekada na ang nakalilipas ito ay naging world’s longest-running television soap opera, na nasa likuran ng 69-taong-gulang na palabas sa radyo ng BBC na The Archers.
Inilarawan ninJohn Whiston, ang pinuno ng ITV sa Hilaga, ang Coronation Street bilang “a guide to humanity with a little bit of comfort blanket thrown in along with a little bit of sharp, northern wit.”
Ang speciality ng show ay “strong women and feckless men”, aniya.
Agence France-Presse