HINDI na magkaundagaga ang sambayanan sa samu’t saring alalahanin dulot ng COVID-19 pandemic. Sa darating na Kapaskuhan, dasal nang marami na maibsan sana ang mga suliranin higit ang amba nang pagtaas ng bilihin sa merkado.
Magmula nitong Oktubre, tumataas ang inflation rate sa bansa at batay sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ito ng 2.5 percent nitong Oktubre at umabot sa 3.3 percent nitong Nobyembre, malayo sa 1.3 percente na naitala sa parehong buwan sa nakalipas na taon.
Sa ulat ng Department of Finance (DOF), ang pagtass ng inflation ay bunga nang mabilis na pagsirit ng presyp ng mga pangunahing produkto. Umabot sa 8.15 percent ang itinaas sa presyo ng karne, 5.32 percent sa isda at 14.6 sa presyo ng mga gulay. Maisisisi ang naging paggalawa sa mga nagdaang bagyo, tulad ng super-typhoon Ulyssess na sumira sa mga pangunahing taniman at nagpalubog sa maraming lugar at lalawigan sa Luzon, Bicol Region na siyang pinagkukunan ng mga mamamayan sa Metro Manila.
Inilagay ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kabuuang P15.3 billion na halaga ng ari-arian at produktong agrikultura ang nasira ng bagyong Ofel, Pepito, Quinta, Rolly, at Uysses sa Bicol, Calabarzon, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Hiniling ng Laban Konsyumer, Inc., sa pamahalaan na isakatuparan ang price freeze sa produktong agrikultura upang maibsan ang pasanin ng sambayanan. Kung hindi ito matutugunan, asahan ang mas mataas na sirit ng presyo ng bilihan ngayong buwan ng Kapaskuhan.
Ang 3.3 percent inflation rate nitong November ay malayo sa naitalang 6.8 percent noong Setyember 2018. Ngunit, ang mabilis na pagkilos ng pamahalaan para makontrol ang mga abusadong negosyante at retailer ang naging mabisang sandata. Pinayagan din ng pamahalaan ang importasyon ng bigas mula sa kalapit na bansang Thailand at Vietnam.
Maituturing hindi pa malalama ang mataas na presyo ng bilihin sa ngayon kumpara noong 2018. Subalit, sa hinaharap na banta ng pandemic, ang hindi makatarungang pagtaas sa mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilyan Pinoy ay makadadagdag sa alalahanin ng bawat pamilya na hindi na makapagsasagawa ng tradisyuna na salo-salo sa Pasko dahil sa banta ng COVID-19.