Isang makabagong diskarte sa pagtataguyod ng kultura ng Pilipinas sa panahon ng COVID-19 (coronavirus disease 2019) ang “Fiesta Filipinas: An Online Celebration of Philippine Festivals,” na inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes.

Sinabi ni DFA Office of Strategic Communications and Research Acting Head Marie Yvette Banzon-Abalos na ang Fiesta Filipinas ay isang anim na bahagi, multi-format na serye ng kaganapan sa online na gagayahin ang karanasan ng isang pagdiriwang sa pamamagitan ng kombimasyon ng live at pre-recorded videos ng lokasyon ng piyesta at pagdiriwang ng nakaraang taon.

Mula Disyembre 2020 hanggang Mayo 2021, isang piyesta sa Pilipinas ang itatampok bilang isang paraan upang ipakilala ng mga lokal ang kanilang kasiyahan sa kultura sa entablado ng mundo.

Ang kauna-unahang virtual event ng Fiesta Filipinas ay angkop na ipagdiriwang ang panahon ng Pasko sa Pilipinas kasama ang Giant Lantern Parade sa Disyembre 19, susundan ang Sinulog, Ati-Atihan, at Dinagyang Festivals (Enero 30, 2021), ang Panagbenga Festival (Pebrero 27, 2021), Visita Iglesia (Marso 20, 2021), Lami-Lamihan Festival (Abril 24, 2021), at ang Flores De Mayo / Santacruzan (Mayo 29, 2021).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nakilahok din sa paglulunsad, binigyang diin ni Undersecretary for Tourism Regulation, Coordination and Resource Generation Roberto Alabado III ng Department of Tourism (DOT) ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na matiyak ang isang ligtas na karanasan para sa mga turista, sa oras na magbukas ang mga hangganan ng Pilipinas sa internasyonal na turismo.

Si NCCA Chairman Arsenio Lizaso, sa pre-recorded message, ay nagbigay ng pangkalahatang ideya ng malalim na pinagmulan ng mga pagdiriwang sa kulturang Pilipino.

Sinabi ng DFA na ang Fiesta Filipinas ay magbabahagi ng isang limitadong bilang ng mga kit sa mga masuwerteng kalahok mula sa buong mundo, para makasama sila sa mga workshops na gaganapin bilang bahagi ng mga virtual fiesta.

-Roy C. Mabasa