Patuloy na lumalalim ang sigalot sa pagitan pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) at ng Valenzuela City Local Government Unit (LGU), dahil sa matinding trapikong na nararansan ng lungsod lalo na ngayong holiday season.

Nitong Lunes, napikon si Mayor Rexlon T. Gatchalian sa operator ng NLEX kaya sinuspinde ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang kanilang business permit.

Nag-ugat ang sigalot sa ilang linggo nang trapiko sa lungsod dahil sa ipinatupad na radio frequency identification (RFID) system sa NLEX para sa lahat ng motorista.

Sakit ng ulo ito para sa mga motoristang bumabaybay sa anim na kalsadang papasok ng NLEX mula sa Valenzuela, lalo pa’t pansamantalang itinigil ang truck ban at color coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Reklamo ng mga motorista, dapat ayusin ng NLEX ang ipinatutupad na protocol system upang hindi magkatrapik.

Malaking isyu ito para sa Valenzuela City na nasa bungad ng expressway at puno ng mga pabrika’t industriyang pinagmumulan ng maraming produkto.

Lumiham si Mayor Rex sa NLEX nitong nakaraang linggo para humingi ng konkretong solusyon sa problema ng trapiko sa lungsod dulot ng mga problema sa RFID system.

Hindi pinagbigyan ng Valenzuela City ang 15 days na hinihingi ng NLEX na maimbestigahan ang mga problema sa kanilang sistema.

“Seven years na ang RFID. ‘Wag nila sabihin ‘imbestigahan ang problema...’ Hindi na tatagal ang commuters sa ganyan. It is highway robbery, and lost productivity,” diin ni Gatchalian.

Sabi ng alkalde, nasa police power nila na suspindehin ang business permit ng NLEX, lalo pat kapakanan ng kanyang mga kababayan ang nakasalalay at labis na naaapektuhan.

Sa pagkakasunpinde ng business permit, hindi maaaring maningil ng toll ang NLEX sa mga exit nito na nasasakupan ng Valenzuela, pero gayunpaman titiyakin ng LGU na mananatiling bukas ang mga tollgate.

Nakiusap ang NLEX sa Valenzuela na ‘wag munang suspindihin ang kanilang business permit habang naghahanap sila ng solusyon sa mga palyadong RFID.

Pero buwelta ni Gatchalian, dapat humingi ng paumanhin ang NLEX sa kanilang mga naperwisyo at magdeklara ng toll holiday habang inaayos ang kanilang sistema.

“Pakinggan n’yo naman ang boses ng tao... They literally get money from us, from our pockets para sa load... Maling mali. We’re not giving them a choice,” pahayag ni Mayor Rex.

-Orly Barcala