Ilang araw matapos sabihing balewala sa kanya ang human rights, biglang kumambiyo si President Rodrigo Duterte, at nanawagan sa iba’t ibang sektor na tiyakin ang “healthy human rights environment”.
-ooOoo-
Isang impeachment complaint ang inihain laban kay SC Justice Marvic Leonen sa Kamara dahil sa umano’y pagkabigong mag-file ng assets sa nakalipas na 15 taon at sa pagbalam sa resolusyon ng mga kaso na hawak niya.
Ang naghain ng reklamo ay si Edwin Cordevilla, secretary general ng Filipino League of Advocates for Good Government.
Ang kanyang abogado ay si Larry Gadon, na siya ring naghain ng impeachment complaint noon kay ex-SC CJ Maria Lourdes Sereno.
-ooOoo-
Tiniyak ng Malacañang na hindi nila papayagan ang mga pulis na gumamit ng yantok para paluin ang mga violator sa physical distancing.
Sinabi ni Lt. Gen Cesar Binag, hepe ng Joint Task Force Covid19 Shield, na ang yantok ay gagamitin lang sa pagsukat ng ng isang metrong agwat ng mga tao.
-ooOoo-
Nagrereklamo ang Alliance of Health Workers sa umano’y “selective, unfair and divisive provision” ng mga benefit para sa frontliners sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon kay AHW president Riberto Mendoza, dismayado sila sa mga probisyon sa health workers benefits sa ilalim ng Bayanihan 2, na inulit sa Jount Circulars 1 at 2-2002 ng DOH at ng Dept of Budget and Management.
“The law is selective, which deceives and divides our ranks. It dies nor show its recognition for health workers’ sacrifices for helping in the mitigation of Covid19”, sinabi ni Mendoza.
-ooOoo-
Siyanga pala, handa at willing si Vice President Leni Robredo na unang magpabakuna kapag dumating na sa Pinas ang Covid19 vaccines.
Aba, sabi ni pesidential spokesman Harry Roque, pababakuna rin si PRRD. Maging sina Health Sec francisco Duque at vaccine czar ay willing ding pabakuna para maniwala ang mga Pinoy na ligtas ito.
Well, ako man pababakuna rin!
-Bert de Guzman