Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko nitong Martes na gagawin niyo ang lahat ng paraan upang matiyak na ang lahat ngpayouts, kasama na ang pamamahagi ng subsidyo ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan 1 at emergency subsidies sa non-SAP recipients ay makukumpleto bago magtapos ang taon.
Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na nakatuon sila na ipamahagi ang lahat ng mga subsidyo tulad ng nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act, at Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, o Bayanihan 2, at ang social pension sa indigent elderly sa loob ng buwan na ito.
“Para sa mangilan-ngilan na lang po na hindi nakakatanggap ng kanilang SAP but are qualified and are not duplicates maaari lang na po na pakihintay na lang sapagkat may impormasyon na kailangan iprocess,” aniya sa “Laging Handa” network briefing.
-Charissa Luci-Atienza