Kahit nasa bahay lamang s i Kapuso Pr ime t ime Queen Marian Rivera, dahil sa Covid-19 pandemic, hindi naman siya tumitigil ng pag-iisip kung ano ang pwede niyang pagkaabalahan na makatutulong para sa kanyang pamilya. Para bang hindi pa sapat ang iba’t iba niyang pinagkakaabalahang trabaho, wala siyang kapaguran.

Malakas ang negosyo ni Marian na Flora Vida by Marian na gumagawa siya ng flower arrangements sa iba’t ibang okasyon, dahil napag-aralan niya ito sa Japan. Balak niyang i-expand ang kanyang flower business, sa bagong negosyo na tinawag niyang Flora Vida Homes. Ini-launch niya ang website ng Flora Vida last December 8.

“Pero two to three years na rin naming plinano ito,” kuwento ni Marian sa isang zoom conference. “Iba’t ibang kagamitan sa bahay ang bubuksan naming business, tulad ng placemats, pillow cases, table runners, chairs, ottoman at iba’t iba pang produkto na pambahay, tulad ng upholstery ng mga chairs. Naisip ko ito nang minsang nagpapalit ako ng upholstery ng upuan namin. May mga fabrics na akong napili na nakita ko sa Europe noong nakapag-biyahe pa kami noon at pwede ko itong orderin.”

Ang gagawa naman ng furnitures ay pamilyang mga taga-Paete, Laguna, na kilala sa furniture-making at ang gagamitin nilang kahoy ay mga rescued mango trees. Kaya kung gusto ninyong mag-order ng Flora Vida Home items, i-search lamang ninyo ang Flora Vida website.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

“May special treat ako sa mga unang o-order ng Flora Vida Home items, si Dong ang magdi-deliver sa inyong mga bahay!”

Miss na miss na rin ni Marian ang muling umarte, pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang iwan ang kanyang mga anak, takot siyang mahawa sila sa kanya kung lalabas at magtatrabaho siya, kaya pansamantala, kahit ang taping ng spiels niya sa mga bagong episodes ng OFW documentary na Tadhana which she is hosting ay sa bahay lamang niya ginagawa at si Dingdong ang nagdidirek. Pero kapag pwede na, balik siya agad sa GMANetwork para sa bagong project

-NORA V CALDERON