Nag-alok si Pangulong RodrigoDuterte na magbitiw sa tungkulin kung mayroong sinuman na makapagpakita ng patunay na tumanggap siya ng suhol habang nasa gobyerno.

Sa isang pahayag sa telebisyon noong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hihilingin din niya sa mga miyembro ng Gabinete na bumaba kung mapatunayan na sila ay nasangkot sa katiwalian.

“Now, maraming haka-haka diyan na kaming mga Cabinet members, ako tumatanggap ng pera saan. Look, I give you this guarantee. Magdala ka lang ng tao at sabihin mo nagbigay siya ng piso sa amin, mag-resign ako bukas. Just one person, one affidavit,” aniya.

“If there is anybody who can prove that I received money from the Office of the President from the government one peso more than my salary, re-resign rin ako,” dagdag niya.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Gayunman, nagbanta si Duterte na papatayin ang sinumang gagawa ng maling paratang sa katiwalian laban sa kanya at sa kanyang Gabinete.

“Basta totoo. Do not lie. Huwag kang mag-imbento, you concoct a story, masama iyan. Kung ganoon, ah ikaw ang patayin ko,” aniya.

-Genalyn Kabiling