STOCKHOLM (AFP) — Sinabi ng Swedish furniture giant Ikea nitong Lunes na ititigil nito ang pag-iimprenta ng sikat na taunang katalogo nito, wawakasan ang pitong dekada na tradisyon sa paglipat ng mga customer sa mga alternatibong digital.
Ang mga katalogo ay nag-alok ng larawan contemporary living na nagpatanyag sa kanila, na ang sirkulasyon ay umabot sa rurok noong 2016, nang 200 milyong mga kopya sa 32 iba’t ibang mga wika ang ipinamahagi sa buong mundo.
Ngunit sa pagkaunti ng mga tao na nagbabasa ng nakalimbag na katalogo at pagtaas naman ng online shopping, sinabi ng retailer na nagpasya ito “to respectfully end the successful career of the Ikea Catalogue”.
Ayon kay Ikea, ang kauna-unahang katalogo ay binuo mismo ng tagapagtatag ng Ikea na si Ingvar Kamprad noong 1951, at nalimbag ito sa 285,000 na mga kopya, na ipinamahagi sa paligid ng katimugang bahagi ng Sweden kung saan nagsimula rin ang kumpanya.
“Turning the page with our beloved catalogue is emotional but rational,” sinabi ni Konrad Gruss, Managing Director sa Inter Ikea Systems, sa isang pahayag.
Ang pagwaksi sa pisikal na katalogo ay bahagi ng pagbabago ni Ikea “to become more digital and accessible,” sinabi ng kumpanya habang binabanggit na ang mga benta sa online ay tumaas ng 45 porsyento sa buong mundo noong nakaraang taon.
Ang huling nakaimprentang bersyon ay ang 2021 na naipadala ngayong tag-init at mayroong 40 milyon kopya.
AFP