Laro Ngayon

(AUF Gym - Angeles City, Pampanga)

6:00 n.g. -- TNT vs Ginebra

(Gins, 3-1 lead)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Game 1 Ginebra d TNT ( 100-94 OT)

Game 2 Ginebra d TNT (92-90)

Game 3 TNT d Ginebra ( 88-67)

Game 4 Ginebra d TNT ( 98-88)

MAY bagong kasaysayan na kumakatok sa tropa ng Barangay Ginebra.

Tatangkain ng Gin Kings na tapusin ang best-of-seven title series ng PBA Philippine Cup laban sa TNT ngayon para tanghaling kauna-unahang kampeon sa ‘bubble’ format ng pinakamatandang pro league sa bansa.

Tangan ng Ginebra ang 3-1 bentahe matapos ang 98-88 panalo sa Game 4 nitong Lunes at isang panalo na lamang ang kailangan laban sa Tropang Giga para maisakatuparan ang misyon.

Ngunit, hindi pa handang sumuko ang TNT.

“One game at a time and never say never,” pahayag ni Tropang Giga coach Bong Ravena. “We’ll fight for survival.”

Ngunit malaking katanungan kung kakayanin pa ba nila ngayong bukod kay Bobby Ray Parks Jr. ay bumigay na din dahil sa iniindang injury sa tuhod ang kanilang beteranong guard na si Jayson Castro.

Katunayan, kinupirma ni Ravena na duda pa sila kung makakayang lumaro ng dalawa sa Game Five ngayong 6:00 ng gabi sa Angeles University Foundation Gym.

-Marivic Awitan