ANG konseptong “disaster mitigation” na matagumpay na naisasagawa ng malalaking bansa – gaya ng Red River Floodway sa Canada -- tuwing panahon ng magkakasunod na kalamidad sa kani-kanilang mga madaling bahain na lugar, ay ginagawa na rin sa Pilipinas.
Ang tawag dito sa atin, ay “flood mitigation” – ang pamamaraan nang mabilisang pagpapatupad ng magkaka-agapay na proyekto, upang mabawasan kundi man mapigilan, ang pagbaha na dulot nang nagsisipasok na super typhoon sa bansa halos taun-taon.
Huwag n’yong ikagulat kung sasabihin ko na ang nagpapatupad ng konseptong ito, ay ang kumpaniyang San Miguel Corporation (SMC), matapos na magpahayag ng ganito ang kanilang Pangulo at COO na si Ramon S. Ang: “There are many factors that lead to flooding, some are natural-occurring, but many are man-made. We are not fully helpless against flooding, there are ways we can mitigate or minimize their impact.”
Dagdag pa ni RSA: “More than just providing assistance whenever calamities happen, we at San Miguel sincerely want to help government and our people address the problem of flooding for the long term. Flooding is a multi-faceted problem and requires multiple approaches. It’s also not just the concern of government or those provinces that are always affected by it. It’s a concern of all of us Filipinos, and we can all contribute to solving it.”
Dito nabuo ang konseptong “flood mitigation” na pinondohan ng SMC ng tumataginting na isang bilyong piso para sa mga “dredging project” na magpapalalim at magpapaluwag ng limang metro sa makasaysayang ilog ng Tullahan at Tinejeros.
Ang dalawang magkasunod na malalakas na bagyo nitong nakaraang buwan ay nagpadapa sa kabuhayan ng ating mga kababayan sa Northern at Southern Luzon – nilamon ng biglaang pagbaha ang halos mahigit sa 200 lugar -- nalanos ang mga tirahan at pati na ang kanilang mga pangkabuhayan.
Swerti pa nga ng konti ang taga-Metro Manila dahil ‘yung ilang bahaing mga lugar dito ay mabilis nang bumaba at mawala ang nakapondong tubig. ‘Yun lang ‘wag na nating isama rito ang Marikina at ilang lugar sa lalawigan ng Rizal dahil malalim arukin ang problema ng mga LGUs dito!
Ang susi -- dulot ng sinasabi kong “flood mitigation” na mga proyekto ng SMC – ay ang pagpapalalim muli (dredging) sa ilog ng Tullahan at Tinejeros, na siyang pinanggagalingan ng umaapaw na tubig na sanhi ng pagbabaha sa mga mababang lugar sa Malabon at Navotas. Idagdag pa rito ang ginawang rehabilitation sa mga pumping station na humihigop sa tubig mula sa dalawang ilog upang ‘di agad umapaw.
‘Di pa man tapos ang buong proyekto, ay nakatutulong na ito sa pagpigil nang pag-apaw ng tubig sa dalawang ilog na kadalasang pinanggagalingan ng baha sa malaking bahagi ng Metro Manila. Doon naman sa ibang may kababaan na mga ang lugar – napabibilis na ngayon ang pagkawala ng baha!
Bahagi ng isang bilyong pondong ito na inilaan ng SMC sa proyektong “flood mitigation” ay ang dredging ng buong 27-kilometer stretch ng dalawang ilog. Kasabay na rin dito, ang environmental protection na gaya ng coastal clean-up, pagtatanim ng mga puno, reforestation, at river rehabilitation.
Kapag natapos na ang dredging sa Navotas at Malabon, uumpisahan naman ang bahagi ng ilog sa Caloocan at Valenzuela na dinadaluyan din ng Tullahan River.
Dahil sa nakitang magandang resulta ng “flood mitigation” project sa Navotas at Malabon, nakipag-ugnayan na rin sa pamunuan ng SMC ang mga LGUs sa Bulacan -- isa sa mga lalawigan sa Central Luzon na sinalanta ng dalawang magkasunod na bagyo – upang matulungan din sila.
Nanawagan din si RSA sa mga kababayan natin na makibahagi sa mga proyektong ito na kaugnay ng kanilang “flood-mitigation” initiatives.
Ani RSA: “Cleaning the tributaries leading to Manila Bay would entail massive cost and we understand that government has to prioritize more urgent basic needs during the pandemic. We are here to support the government in whatever way we can.”
Para naman sa ibang malalaking negosyante sa bansa -- “Sana all!”
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.