Tatanggapin na ngayon ng lalawigan ng Bohol ang leisure travelers, anuman ang edad, kasama na ang mga nagmumula sa mga lugar ng general community quarantine (GCQ) simula sa Disyembre 15 sa ilalim ng “test-before-travel” policy.

Inanunsiyo ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang Department of Tourism (DOT), sa pamamagitan ng marketing arm na Tourism Promotions Board (TPB) ay maglalaan ng P10 milyong subsidy para sa lalawigan para sa low-cost COVID-19 reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing.

“We cannot delay the reopening of Bohol,” sinabi ni Bohol Governor Arthur Yap sa press conference nitong Martes sa Bellevue Resort, Panglao Island.

Sinabi niya na ang mga manlalakbay ay kinakailangang magparehistro sa website ng lalawigan na www.centralbooking.myboholtouristcard.com upang ma-validate ang kanilang travel request.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

-Hannah Tabios