Isang 90-taong-gulang na lola sa Britain ang naging unang tao sa isang bansa sa Kanluran na nakatanggap ng aprubadong coronavirus vaccine, sa pag-rollout ng Britain ng gamot ng Pfizer-BioNTech sa pinakamalaking inoculation drive sa kasaysayan nito.
Sinabi ni Margaret Keenan, tutuntong sa edad na 91 sa susunod na linggo, na ito ang ay nagsabing ito ang "the best early birthday present" at idinagdag: "My advice to anyone offered the vaccine is to take it. If I can have it at 90 then you can have it too."
Ang Britain noong nakaraang linggo ang naging unang bansa na inaprubahan ang bakunang Pfizer-BioNTech, nagtataas ng pag-asa ng tagumpay sa pandemya, na pumatay sa higit sa 1.5 milyon sa buong mundo.
Isa ang Britain sa mga pinakalubhang apektadong bansa sa buong mundo, na may higit sa 61,000 ang namatay sa outbreak mula sa 1.6 milyong mga kaso.
Binakunahan si Keenan sa harap ng mga camera sa isang ospital sa central English city ng Coventry, at sinundan ng isang matandang lalaki na nagngangalang William Shakespeare.
Ang nagturok sa kanya ay si May Parsons, isang nars mula sa Pilipinas na nagtrabaho para sa National Health Service (NHS) ng Britain sa loob ng 23 taon.
"I feel so privileged to be the first person vaccinated against Covid-19," sinabi ni Keenan, isang dating jewellery shop worker na mayroong dalawang anak at apat na apo.
Una sa linya upang makuha ang bakuna, sa tinaguriang "V-Day" ang mga lagpas 80 anyos, care home workers at at-risk frontline health at social care staff. Ibibigay ang pangalawang turok ay makalipas ang 21 araw.
Tinawag ito ni Prime Minister Boris Johnson, na ilang araw na nasa intensive care dahil sa Covid-19 nitong unang bahagi ng taon maaga sa taong ito, na "huge step forward in the UK's fight against coronavirus".
Sinabi ng head ng state-run National Health Service in England, Simon Stevens, na ito ay "decisive turning point" laban sa "greatest health challenge" simula nang itatag ang NHS noong 1948.
Ibinigay ang regulatory approval para sa bakuna noong Miyerkules, na nagbunsod ng pagmamadaling maghanda ng maraming vaccination centres sa buong bansa.
Ang UK ay nag-order ng 40 milyong dosis ng bakuna - sapat na upang mabakunahan ang 20 milyong katao - na may 800,000 sa unang batch.
Hanggang sa apat na milyong dosis ang inaasahan sa pagtatapos ng Disyembre.
Agence France-Presse