Nilinaw ni President Donald Trump nitong Sabado na wala siyang balak na bawiin ang kanyang mga pahayag nitong nakaraang buwan patungkol sa iginiit niya na “nanakaw’ sa kanyang ang nagdaang halalan, sa pagsasabi sa kanyang mga tagasuporta na “somehow [he would] still win.”

Sa kanyang unang post-poll rally, muling nagpakawala ng mga alegasyon si Trump na “rigged” ang pagkapanalo ni Democrat Joe Biden.

Sa kabila naman ng patuloy na bugso ng impeksyon, mapapasin na iilan lamang ang nakasuot ng mask sa rally at marami ang binalewala ang social-distancing rules.

Sa halos dalawang oras na speech ni Trump, idineklara nitong hindi siya magko-concede at nanindigan sa kanyang pahayag na dinaya siya.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

“We’re winning this election,” pahayag ni Trump, na katulad sa mga nakaraan niyang rally bago ang eleksyon.

“It’s rigged. It’s a fixed deal.”

“The swing states that we’re all fighting over now, I won them all by a lot,” giit pa ni Trump.

“And I have to say, if I lost, I’d be a very gracious loser. If I lost, I would say, I lost, and I’d go to Florida and I’d take it easy and I’d go around and I’d say I did a good job. But you can’t ever accept when they steal and rig and rob.”

AFP