MULING nagningning ang ganda ng mga Pilipinas sa abroad matapos koronahan si Roberta Angela “Ro-An” Tamondong bilang Miss Eco Teen International 2020 sa Egypt, kahapon.

Roberta Angela “Ro-An” Tamondong

Ito ang unang beses na nakuha ng Pilipinas ang Miss Eco Teen International crown is the first for the Philippines. Habang si Ro-An ang unang Pinoy na nakapag-uwi ng isang international title sa gitna ng pandemic.

Wagi rin ang 5’9 stunner mula Quezon City ng Best In National Costume sa finals.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Si Ro-An, 18, ay estudyante ng San Beda University, Manila. Una na siyang nanalo ng Binibining Quezon City at Mutya ng San Pablo 2019.

Samantala, nakuha naman ni Miss South Africa, ang 1st runner-up; Miss Netherlands, 2nd runner-up; Miss Egypt, 3rd runner-up; at Miss Paraguay, 4th runner-up.

Sa pre-pageant events pa lamang ay pinahanga na ng dalaga ang mga hurado kung saan niya nakuha ang Miss Eco Teen International. Wagi rin siya ng Best Eco Dress, 1st runner-up sa Beach Wear prime competition at 2nd runner-up sa talent competition.

Una nang sinabi ni Arnold Vegafria, national president ng Miss World Philippines pageant, na malaki ang tiyansa ni Ro-An na makuha ang korona dahil sa ipinakita nitong performance sa pre-pageant competitions.

“The Philippines’s official candidate Roberta

Angela ‘Ro-An’ Tamondong stands a very good chance at clinching the crown based on her outstanding performance during the pageant preliminaries from the past week.

“To date, the 18-year-old San Beda student wowed pageant critics and garnered a massive social media following not just because of her stunning glam photos, but also because of her wit, spunk and intelligence, and most importantly, her relevant environmental advocacies,” pagbabahagi ni Vegafria sa Facebook.

-ROBERT REQUINTINA