INANUNSIYO ni Secretary John Castriciones ng Department of Agrarian Reform nitong weekend ang isang programa, na inaasahan niyang, makahihikayat ng mas maraming kabataang Pilipino na mahilig sa pagtatanim at sa proseso, ay makatulong na makamit ang hangaring seguridad sa pagkain para sa bansa.
Ang mga bagong nagtapos sa agricultural na kurso, aniya, ay aalukin ng tatlong ektaryang lupa bawat isa. Maaari itong magsilbing kanilang “farm laboratories” na magagamitan nila ng mga teyorya at gawaing natutunan nila sa paaralan. Makatutulong ang programa na mabigyan ng bagong buhay ang industriya ng agrikulura sa tulong ng mas batang henerasyon ng mga magsasaka na may mas malaking pag-unawa sa modern farm technology.
Ang ideyang pagbibigay ng libreng lupa para sa mga prospective farmers ay maaaring inspirasyon mula sa Homestead Act kung saan hinikayat ng United States ang mga Amerikano na tumungo aa west upang magsaka sa malawak na lupaing binuksan sa mga bagong estado labas sa orihinal na 13 kolonya ng Amerika. Nilagdaan ni President Abraham Lincoln noong 1862, nagbibigay ang Homestead Act sa bawat aplikante ng 160 acres ng public land—halos 60 ektarya—upang makatulong sa pag-unlad ng bahagi ng west ng bansa. Mula noon lumago ang US bilang isang malaking industriyal na bansa, na nagdomina sa kalakalan ng mundo, ngunit patuloy na nag-aambag ang agrikultura nang malaking bahagi nito sa ekonomiya ng US.
Sinasabing lumilipat ang ekonomiya ngayon ng Pilipinas mula sa isang agrikultural patungo sa isang bansa na nakaasa sa serbisyo at manufacturing. Ang mga pangunahing industriya ngayon ay ang electronics assembly, aerospace, business process outsourcing, food manufacturing, shipbuilding, chemicals, textiles, garments, metals, petroleum refining, fishing, steel, at rice.
Pangunahing inaangkat ang mga electronic products, mineral fuels, machinery at transport equipment, iron at steel, textile fabrics, grains, chemicals, at plastic. Habang pangunahing exports ang electronic products, transport equipment, garments, copper products, petroleum products, coconut oil, at mga prutas.
Para sa karamihan ng mga Pilipino, pinakamahalagang inaangkat ang mga bigas mula Thailand at Vietnam. Noong 2018, isinisi sa mataas na presyo ng bigas ang inflation rate—presyo sa merkado—na umabot sa 6.7 porsiyento noong Setyembre 2018. Nahinto ang patuloy na pagtaas ng Rice Tariffication Law na nagpahintulot sa malaking bulto ng pag-angat ng bigas. Magandang balita ito para sa mga Pilipinong mamimili ngunit hindi para sa mga magsasaka na ang kita ay pinada lalo’t hindi nila kayang makipagkumpitensiya sa mga murang angkat na bigas.
Maraming ekonomista ang patuloy na umaasa sa agrikultura ng Pilipinas. Kailangan nating makapag-ani ng sapat na bigas upang mapakain ang mga tao. At kailangan nating makapag-produce ng mas maraming pang-export na produkto tulad ng coconut oil, seafood, processed food, at beverages.
Kailangan natin palakasin ang agrikultura ng Pilipinas. Mayroon tayong lupain, klima at tubig at iba pang resources na kinakailangan lamang mapagana kasama ng dagdag na irigasyon, mas modernong farm equipment, mas malawak na pagpopondo at marketing organization.
Ang bagong programa ng DAR na humihikiyat sa mga kabataan na pumasok sa pagsasak sa pamamagitan ng programang palupa para sa mga agriculture graduates ay tiyak na makatutulong.