Patay ang 18 minero matapos tumagas ang carbon monoxide sa isang minahan ng uling sa southwestern China, iniulat ng state media, habang patuloy pa ang rescue operation para masagip ang lima pang nakulong sa minahan.
Nasa kabuuang 24 na minero ang nasangkot sa insidente sa Diaoshuidong mine sa siyudad ng Chongqing matapos ang gas leak.
Hanggang nitong Sabado, isang survivor at 18 biktima ang natagpuan, ayon sa local emergency rescue command headquarters.
Naganap ang insidente habang nagtatanggal ang mga mangagawa ng
underground mining equipment, ayon sa CCTV. Dalawang buwan na umanong nakasara ang minahan.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng aksidente.
AFP