PARIS (AFP) — Mula sa maliliit na island states hanggang sa urbanisadong mga powerhouse, ang bawat bansa sa Daigdig ay nahaharap sa dumarami at tumitinding banta sa kalusugan ng tao habang ang climate change ay malamang na magbibigay ng mga pandemya sa hinaharap at magpabagsak sa sistema, napagtanto sa isang pangunahing pag-aaral nitong Huwebes.
Isang nakamamatay na halo ng matinding init, polusyon sa hangin at grabeng pagsasaka ay nagsasaman upang makabuo ng “worst outlook for public health our generation has seen”, ayon sa ikalimang annual report ng Lancet tungkol sa mga ugnayan sa pagitan ng kalusugan at klima.
Ipinakita sa pagtatasa na ang huling dalawang dekada ay nasaksihan ang 54 porsyentong pagtaas sa pagkamatay na nauugnay sa init sa mga matatandang tao, na ang matinding heatwaves ay kumitil sa 300,000 buhay noong 2018 lamang.
Habang ang mga phenomena na nauugnay sa klima tulad ng mga bagyo ay nananatili sa ngayon na mga labis na problemang hinaharap ng mga umuunlad na bansa, sinabi ng mga may-akda na ang matinding init ay nagdulot na ng mapanirang pinsala sa kalusugan sa mga mayayamang bansa.
Noong 2018, ang France ay nakaranas ng 8,000 pagkamatay na nauugnay sa init sa mga 65 anyos pataas, na nagbunga ng gastos sa ekonomiya na katumbas ng 1.3 porsyento ng GDP sa taong iyon, natuklasan sa ulat.
“The threats to human health are multiplying and intensifying due to climate change and unless we change course our healthcare systems are at risk of being overwhelmed in the future,” sinabi ni Ian Hamilton, executive director ng Lancet Countdown report. Ang init at tagtuyot ay nagtutulak ng matinding pagtaas sa pagkakalantad ng tao sa mga sunog, na may 128 mga bansa na nasaksihan ang pagtaas ng populasyon na nasugatan, namatay o nawala ng tirahan sa mga sunog mula pa noong unang bahagi ng 2000, ayon sa ulat.
Sinabi nito na ang inaasahang pagtaas ng antas ng dagat na dulot ng emissions mula fossil fuel, pagsasaka at transportasyon ay maaaring magbanta na mawalan ng tirahan ang hanggang sa 565 milyong katao sa 2100, na ilalantad din sila sa isang hanay ng mga problema sa kalusugan.
Sa higit sa siyam na milyong pagkamatay na maiugnay sa poor diet bawat taon, natuklasan ng expert panel sa likod ng ulat na ang pagkamatay na nauugnay sa labis na pagkonsumo ng red meat ay umakyat ng 70 porsyento sa loob lamang ng tatlong dekada.
Ang labis na pagkain ng pulang karne ang nasa likod ng hindi bababa sa 13,000 pagkamatay sa France noong 2017, mula sa halos 90,000 pagkamatay sa taong iyon na maiugnay sa mahinang diyeta.
Nagbabala ang mga may-akda na ang patuloy na urbanisasyon, masinsinang agrikultura, paglalakbay sa himpapawid at pamumuhay na pinapatakbo ng mga fossil fuel ay malamang na magbibigay ng mga pandemic sa hinaharap tulad ng Covid-19.
Nanawagan sila para sa kagyat na aksyon upang mapagaan ang emisyon at mapigilan ang pinakamasamang epekto ng pagbabago ng klima at mabawasan ang epekto nito bilang isang health threat multiplier.
“Now is the time for all of us to take the environmental determinants of health more seriously,” sinabi ni The Lancet Editor-in-Chief Richard Horton.
“We must address the climate emergency, protect biodiversity, and strengthen the natural systems on which our civilisation depends.”
‘Align recoveries’
Inilabas ang ulat malapit sa limang taong anibersaryo ng kasunduan sa klima sa Paris, na nag-uutos sa mga bansa na limitahan ang pagtaas ng temperatura ng mundo hanggang sa mas mababa sa 2 Degree Celsius (3.6 Fahrenheit) sa itaas pre-industrial levels sa pamamagitan ng pagbawas ng emissions.
Inaasahan din ng kasunduan ang isang mas ligtas na pagbawas ng pag-init ng 1.5C.
Habang ang mga lockdown at paghihigpit sa paglalakbay ay malamang na nangangahulugan na ang mga emission ng greenhouse gas ay bumagsak sa 2020, may mga pangamba na ang mga fossil fuel ay sasandalan ng mga pamahalaan upang mapalakas ang kanilang pagbangon sa pandemya.
Nanawagan ang Lancet panel para sa “aligning of climate and pandemic recovery” upang maihatid ang malapit at pangmatagalang benepisyo sa kalusugan at pang-ekonomiya. Sinabi nito na ang mga benepisyo sa kalusugan mula sa mas mababang antas ng polusyon sa hangin at mas kaunting matinding mga kaganapan sa panahon pati na rin ang pinahusay na mga diyeta lamang ay higit pa sa bayad para sa mga gastos sa pagpapagaan ng klima.
“With trillions being invested globally in economic support and stimulus there is a genuine opportunity to deliver a triple win -- one that improves public health, creates a sustainable economy and protects the environment,” sinabi ni Maria Neira, director ng Department of Environment, Climate Change and Health at the World Health Organization.
“Failure to tackle these converging crises will lock in huge amounts of fossil fuels... condemning the world to a future of climate-induced health shocks.”
Agence France-Presse