Labis tiyak ang saya ng mga fans at tagasubaybay ni Superstar Nora Aunor, dahil after ng ilang buwan na umiiral ang pandemic, ay hindi na nila napanood ang actress dahil nahinto muna ang airing ng kanyang GMA Afternoon Prime drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit. Pero ngayong December, magiging visible na siya sa television at sa coming 2020 Metro Manila Film Festival.
Simula sa Lunes, Disyembrw 7, magkakaroon muna ng recap ang kanilang TV drama, na kasama niya sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at iba pang cast members, directed by Laurice Guillen. Susundan na ito ng mga fresh episodes na mapapanood at 4:15PM, sa GMA-7.
At simula sa December 25, mapapanood na rin si Ate Guy sa Isa Pang Bahaghari, one of the ten official entries sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF), directed by Joel Lamangan. Matatandaan na last year, sa 2019 MMFF, submitted ang said movie pero hindi ito napili ng executive committee. Sa first Summer MMFF this year, na-approve ito bilang isa sa mga official entries, pero hindi natuloy ang said movie festival dahil sa pagpasok ng Covid-19 pandemic.
So, this year, tuloy na tuloy na ang showing nito, na kasama ni Ate Guy sina Phillip Salvador, Michael de Mesa, Zanjo Marudo, Sanya Lopez, at tatagal ang MMFF hanggang sa January 8, 2021. Hindi nga lamang ito mapapanood sa mga paborito ninyong sinehan, but via streaming in the official Metro Manila Film Festival channel, ang Upstream.
-NORA V. CALDERON