Kinasuhan ng administrasyong Trump nitong Huwebes ang Facebook, na inakusahan ito ng diskriminasyon laban sa mga manggagawang Amerikano sa pamamagitan ng pagpabor sa mga aplikanteng imigrante para sa libu-libong mga trabaho na may mataas na suweldo.
“The Department of Justice’s lawsuit alleges that Facebook engaged in intentional and widespread violations of the law, by setting aside positions for temporary visa holders instead of considering interested and qualified US workers,” sinabi ni assistant attorney general Eric Dreiband, ng Civil Rights Division ng department, sa isang pahayag.
Ang asunto ay may kinalaman sa higit sa 2,600 posisyon na may average na suweldo na $156,000, na inialok mula Enero 2018 hanggang Setyembre 2019.
Inireserba ng internet giant ang mga posisyon para sa mga kandidato na may mga “H1-B “skilled worker” visa o iba pang may mga temporary work visa, sinabi ng departamento.
Ibinigay ng Facebook “channeled” ang mga trabaho sa visa holders sa pamamagitan ng pag-iwas sa advertising sa website ng mga karera nito, pagtanggap lamang ng physically mailed applications para sa ilang posisyon, o pagtanggi na isaalang-alang ang mga manggagawa sa US, ayon sa demanda.
Ang demanda ay isinampa dalawang araw lamang matapos harangan ng US federal judge ang mga pagbabago sa panuntunan na iniutos ni President Donald Trump na mas pinahirap ang pagkuha mg skilled-worker visas.
AFP