WASHINGTON (AFP) — Lantarang pinag-iisipan ni outgoing US President Donald Trump ang tungkol sa pangalawang pagtakbo sa pagkapangulo ng United States sa 2024.
“It’s been an amazing four years. We are trying to do another four years. Otherwise, I’ll see you in four years,” sinabi niya sa mga panauhin sa isang Christmas party sa White House nitong Martes.
Ang kaganapan, dinaluhan ng maraming Republican Party power brokers, ay isinara sa media, ngunit isang video ng talumpati ni Trump ang mabilis na lumabas sa publiko.
Halos isang buwan pagkatapos ng halalan noong Nobyembre 3 ay tumanggi pa ring kilalanin ng 74-taong-gulang na si Trump na natalo siya ng Democrat na si Joe Biden, na abala na ngayon sa pagbuo ng kanyang papasok na administrasyon.