LYON (AFP) - Binalaan ng Interpol nitong Miyerkules ang mga awtoridad sa buong mundo tungkol sa banta mula sa mga organisadong grupo ng krimen sa paparating na mga kampanya sa pagbabakuna sa Covid-19, kabilang ang mga pekeng bakuna at pagnanakaw ng mga supply.
Ang pamamahagi ng tatlong bagong bakuna sa coronavirus ay nakatakdang magsimula sa lalong madaling panahon at maraming mga tao ay desperado na protektahan ang kanilang sarili nang mabilis hangga’t maaari, na nag-aalok ng mga handang target para sa mga kriminal.
“As governments are preparing to roll out vaccines, criminal organisations are planning to infiltrate or disrupt supply chains,” sinabi ni Juergen Stock, pinuno ng global policing agency na nakabase sa Lyon, France, sa isang pahayag.
“Criminal networks will also be targeting unsuspecting members of the public via fake websites and false cures, which could pose a significant risk to their health, even their lives,” wika niya.
Nagbigay na ng babala ang ahensya noong Hulyo tungkol sa paglaganap ng pekeng Covid-19 test kit at iba pang mga produktong medikal habang ang mga bansa sa buong mundo ay sumugod upang makakuha ng mga supply sa panahon ng pandemya.
Kamakailan ay inimbestigahan ng cybercrime unit ang halos 3,000 websites na naka-link sa mga online na parmasya na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot at iba pang mga produktong medikal, kung saan 1,700 din ang gumamit ng phishing techniques upang subukang linlangin ang mga tao sa na magbigay ng personal data, o iba pang nakakahamak na software.
“It is important to be vigilant, be skeptical and be safe, as offers which appear too good to be true usually are,” sinabi ng ahensiya.