Aabot na sa 8.7 porsiyento o katumbas ng 3.8 milyong Pinoy na may edad 15-anyos pataas ang walang trabaho nitong nakaraang Oktubre 2020.

Sa survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang bilang na ito mula sa 4.6 milyon na naitala noong Hulyo.

Sa pahayag ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, mas mataas ito ng 1.8 milyon kumpara sa bilang noong Oktubre 2019 na nasa 2.0 milyong indibidwal na walang trabaho.

“Ito na ang pinakamataas na October rank na unemployment rate simula noong 2005,” pahayag ni Mapa at idinahilan ang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Beth Camia at Jun Fabon