NANINDIGAN nitong Lunes ang World Health Organization na gagawin nito ang lahat nang makakaya upang mahanap ang hayop na pinagmulan ng COVID-19, sa paggigiit na ang kaalaman dito ay mahalaga upang maiwasan ang mga susunod na outbreak.

“We want to know the origin and we will do everything to know the origin,” pahayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Giit niya, hangad ng UN health agency na mahanap ang misteryo sa likod ng virus, at hinikayat ang mga kritiko na nag-aakusa sa pamamahala sa imbestigasyon sa China na itigil ang “pamumulitika” sa isyu.

“WHO’s position is very, very clear. We need to know the origin of this virus, because it can help us prevent future outbreaks,” ani Tedros.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kritikal ang pahayag ng United States, na may higit 262,000 bilang ng namatay sa bansa na pinakamatinding tinamaan ng pandemya, sa pamamahala ng WHO sa krisis at inakusahan ang ahensiya ng pagyukod sa China at pag-iwas nito sa imbestigasyon kung paano nagsimula ang unang outbreak.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang ibang kritiko na maaaring hinayaan ng ahensiya ang China na magdikta ng salik sa isang international investigation hinggil sa pinagmulan ng virus, na unang umusbong sa Wuhan, China, Disyembre ng nakaraang taon.

Mula noon, higit 1.46 milyong tao na ang namatay habang nasa halos 63 milyon na ang naimpeksyon sa buong mundo.

Ilang buwan nang kumikilos ang WHO sa pagpapadala ng grupo ng international experts, kabilang ang mga epidemiologists at animal health specialists, sa China upang makatulong sa paghahanap sa pinagmulang hayop ng novel coronavirus pandemic at paano unang naisalin ang virus sa tao.

Noong Hulyo nagpadala ang ahensiya ng isang advance team sa Beijing upang bumuo ng groundwork para sa imbestigasyon.

Ngunit malabo pa rin kung kailan darating sa China ang mas malaking grupo ng scientists upang masimulan ang epidemiological studies sa pagtukoy sa unang human cases at ang pinagmulan ng impeksyon.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni WHO emergencies chief Michael Ryan na umaasa ang ahensiya na makapagpadala ng international team sa Wuhan “as soon as possible”.

Samantla, pinabulaanan naman ni Tedros nitong Lune sang kritisismo hinggil sa kakulangan ng transparency sa imbestigasyon, sa paggigiit na isinapubliko naman ang pangalan ng mga eksperto na kabilang sa grupo at ang terms of reference.

“There is nothing to hide. We want to know the origin. I don’t want to have any confusion on that.”

Unang pinaniwalaan ng mga siyentista na ang nakamamatay na virus ang tumalon mula sa hayop patungong tao sa isang pamilihan na nagbebenta ng karne ng mga exotic animals sa siyudad ng Wuhan, kung saan unang nadetekta ang virus.

Ngunit ngayon, ipinapalagay ng mga eksperto na maaaring hindi nag-ugat sa pamilihan ang outbreak, at sa halip ay isa lamang itong lugar kung saan lalong kumalat ang virus.

Malaki rin ang paniniwala na nagmula ang virus sa mga paniki (bats), ngunit hindi pa rin natutukoy ang animal host na nagsalin ng virus sa pagitan ng paniki at tao.

-Agence France-Presse