Umabot na sa mahigit 1,460,018 ang namatay COVID-19 sa buong mundo mula nang lumutang ang sakit sa China noong nakaraang Disyembre, ayon sa bilang ng AFP nitong Lunes.

Giit ng World Health Organization (WHO) Lunes, ginagawa nito ang lahat na posible upang mahanap ang animal origins ng virus, sa kabila ng katotohanang hindi pa ito nagpapadala ng isang buong pangkat ng mga dalubhasa sa China upang siyasatin ang bagay na ito.

Nagpahayag ng pag-aalala ang observer na ang ahensya ay yumuko sa pressure ng China at binabagalan ang pagsisiyasat, ngunit bumuwelta si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus at hinimok ang mga kritiko na ihinto ang “pamumulitika” sa isyu.

Sa isang pagtatagubilin, idinagdag ni Tedros na siya ay nababalisa sa mabilis na paglala ng mga sitwasyon ng Covid-19 sa Brazil at Mexico, na hinihimok sila na maging “very serious” tungkol sa pagpigil sa pagkalat.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala ang Europe ay nakikipaglaban pa rin upang maibaba ang pang-araw-araw na pagkamatay at impeksyon na may iba’t ibang mga curb, lockdowns at tests matapos na umabot ang mga nasawi sa 400,000 nitong weekend.

Sa Asia, inihayag ng Hong Kong nitong Lunes ang mga panukalang social distancing sa ilan sa kanilang pinakamahigpit na antas sa lungsod mula nang magsimula ang coronavirus pandemic, habang nakikipaglaban ang mga awtoridad sa ikaapat na alon ng mga impeksyon

“This new wave of Covid-19 has hit Hong Kong very quickly,” sinabi ni chief executive Carrie Lam, idinagdag na ang mga bagong paghihigpit ay magkakabisa simula Miyerkules.

Samantala, ang sitwasyon sa dating pandaigdigan na sentro ng New York ay ay nananatiling walang katiyakan, at nagbabala si Governor Andrew Cuomo na ang maliliit na pagtitipon ay responsable ngayon para sa 65 porsyento ng pagkalat.

“We are now worried about overwhelming the hospital system,” sinabi ni Cuomo, idinagdag na posibleng kakailanganin ng estado ng panibagong lockdown. Ang peligro ng Covid sa halos buong US ay itinuturing na “critical” at higit sa 93,000 katao ang naospital, ayon sa Covid Tracking Project.

Sa gitna ng lumalaking pag-aalinlangan sa bakuna sa buong mundo, sinabi ng pangulo ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies na si Francesco Rocca nitong Lunes: “To beat this pandemic, we also have to defeat the parallel pandemic of distrust.”

AFP