WASHINGTON (AFP) — Lumakas ang pag-asa para sa unang bugso ng pagbabakuna bago ang katapusan ng 2020 matapos sabihin ng US firm na Moderna na nag-apply ito noong Lunes para sa emergency authorization ng kanyang Covid-19 vaccine sa United States at Europe.

Matapos magbabala si top US scientist Anthony Fauci sa mga Amerikano na maghanda para sa “surge superimposed on the surge,” iniulat ng Moderna na nakumpirma ng buong resulta ang mataas na epektibo na tinatayang nasa 94.1 porsyento.

Nakatakda itong sumali sa American pharmaceutical maker na Pfizer at BioNTech ng Germany, na nag-aplay para sa mga katulad na pag-apruba noong nakaraang linggo, at hinulaan ang kanilang bakuna na maaaring pahintulutan sa US ilang sandali makalipas ang Disyembre 10.

Kapag sumasang-ayon ang US Food and Drug Administration na ligtas at epektibo ang produkto ng Moderna, ang una sa dalawang dosis ng gamot ay maaaring maiturok sa mga bisig ng milyun-milyong mga Amerikano sa kalagitnaan ng Disyembre.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

“We believe that our vaccine will provide a new and powerful tool that may change the course of this pandemic,” sinabi ni Moderna CEO Stephane Bancel.

Sinabi ni Health Secretary Alex Azar sa CBS News: “We could be seeing both of these vaccines out and getting into people’s arms before Christmas.”

Co-developed ng US National Institutes of Health, ang mga bakuna ay generally well tolerated, na may pinakakaraniwang side effects na kabilang ang kirot sa lugar ng pag-iniksyon, pagkapagod, sakit ng kalamnan, joint pain at sakit ng ulo.

Inaasahan ng Moderna na magkaroon ng humigit-kumulang 20 milyong dosis ng bakuna, na tinatawag na mRNA-1273, na magagamit sa US sa pagtatapos ng taon, at sa pagitan ng 500 milyon hanggang isang bilyong dosis sa buong mundo sa 2021.