MISMONG si Sean Gibbons, pangulo ng MP Promotions na may hawak sa pro career ni Olympic-bound Eumir Marcial, ang nagpahayag na mas pinaghahandaan ng kanyang kampo ang pagsasanay ng boxing star para sa pagsabak sa Tokyo Games sa Agosto.

Ratsada na ang ensayo ng 27- anyos na si Marcial sa pangangasiwa ni boxing hall-of-famer Freddie Roach sa Wild Card gym sa Los Angeles.

Ayon kay Gibbons, may nakalatag na usapin para sa debut match ni Marcial sa pro stage sa Disyembre, at may dalawa pang nakabinbin sa unang quarter ng 2021, ngunit, higit na nakatuon ang pansin ng pambato ng Zamboanga City sa kanyang paghahanda para sa Tokyo Olympics.

“It’s a blessing that he was able to come here in the US. Since Day 1 our focus is the Tokyo Olympics and win the first gold (for the Philippines),” pahayag ni Gibbons sa kanyang pagbisita sa PSA Forum via Zoom nitong Martes.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“We’re looking at December. For him to get the experience is to get a four-rounder or six-rounder. By coming here (to train in the US) he gives himself a heck of a shot to win in Tokyo 2021,” aniya.

Dumating si Marcial sa LA nitong Oktubre para makapgahanda sa Olympics na naiurong sa Hulyo sa susunod na taon bunsod ng pandemic. Nitong Enero, lumagda siya ng kontrata sa MP Promotions.

“Sa ngayon sobrang ready,” sambit ni Marcial, nakasingkit ng Tokyo Olympic spot slot nang magkampeon sa Asia-Oceania Olympic qualifying tournament sa Amman, Jordan.

“Kung this week e ila-laban ako, ready ako. Siempre kung ano yung plano ni sir Sean… as a fighter dapat ready tayo sa kung sino man ang i-laban, o ibibigay sa atin,” aniya.

-Marivic Awitan