LOS ANGELES (AP) – Wala nang ‘bubble’, ngunit mas mahigpit na ‘safety and health’ protocol ang ipatutupad ng NBA sa pagsisimula ng team’s training camp.
Ang mga players na nagpositibo sa coronavirus ngayong season ay hindi papayagan na makabalik sa court, hangga’t hindi nakakakumpleto ng 14-day quarantine simula sa training season.
Nakapaloob ito sa 63,000-word document na inilabas ng NBA nitong weekend. Nakakuha ang Associated Press ng kopya ng naturang dokumento na siyang susundin sa pagsisimula ng camp sa Disyembre 11. Sisimulan ang pre-season sa Disyembre 22.
Kakailanganin pang maratipika ang naturang dokumento ng National Basketball Players Association, ngunit, halos nakapaloob na rito ang mga tutupding regulasyon sa pagbabalik ng liga.
Lahat ng players na makikibahagi sa training camp ay kailangan dumaan sa rigid testing program simula nitong Lunes at papayagan nang magkaroon ng group workout simula sa Disyembre 6.
May pagkakataong, sasailaim sa test ang lahat ng players, coaches at key staff araw-araw.
“Even with the detailed prevention and mitigation strategies “it is likely that some staff, players and other participants in the 2020- 21 season nonetheless will contract COVID-19,” ayon s ainilabas na memorandum ng NBA.
“The NBA wouldn’t have put this plan together and we wouldn’t have agreed to it if it wasn’t safe,” pahayag ni Utah guard Donovan Mitchell. We did a great job with the bubble and we’ll do what we feel is safe, the PA and the NBA.”
Kabilang si Mitchell sa mga players na nagpositibo sa coronavirus bago nasuspinde ang liga nitong Marso 11. Ang kanyang Jazz teammate na si Rudy Gobert ang unang NBA player na nagkaroon ng COVID-19.