MAKIKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism (DOT), kasama ng Tourism Promotions Board (TPB), sa mga motorcycle riders upang magsilbing domestic tourism ambassadors sa pagpapakita ng isang “safe, fun, and practical” na pagbiyahe kasabay ng pagbubukas ng ilang sikat na destinasyon sa Pilipinas.

Inilunsad kamakailan ang “motourismo” campaign, na layong buhayin ang karanasan sa pagbiyahe sa ilalim ng new normal at hayaan ang mga turista na madiskubre ang iba’t

ibang mga lugar sa bansa gamit ang motorsiklo.

“By initiating this safe yet very thrilling and worthwhile campaign to promote motorcycle tourism through TPB, we want to restore the confidence of the public to travel domestically and help the tourism industry to bounce back from the negative impact of the Covid-19 pandemic crisis,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagpahayag ng tiwala si Puyat na may kakayahan ang mga motorcycle riders na mai-promote ang Pilipinas bilang isang bansa ng “fun and diverse experience”, kasama ng pagpapakita na ligtas at isang maayos na transportasyon ang motorsiklo sa paglalagalag sa mga sikat na atraksyon sa bansa, kasama ng pag-iingat sa kalusugan.

Lilikha rin ang kampanya ng oportunidad sa mga tour operators upang bumuo ng bagong programa, makatulong sa mga nawalan ng kanilang kabuhayan sa pagsisimula ng maliit na negosyo, at magsilbing plataporma sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa ligtas na pagbiyahe.

Samantala, sinabi naman ng TPB, na ang “motourismo” ay isang pragmatic at sustainable na paraan upang maisulong ang hindi pa kilalang mga tourism destination sa bansa.

“It will also showcase (the) interesting culture and heritage sites, shops, restaurants, and other tourism products all over the country that Filipinos can discover,” anila.

Maingat na binuo sa nakalipas na mga buwan, ang “motourismo” ay mula sa kolaborasyon ng TPB sa DOT, Department of Transportation (DOTr), RidePH, at ilang motorcycle rider clubs at mga samahan sa Pilipinas.

‘LIGTAS NA BIYAHE’

Samantala, inilunsad din kamakailan ng DOT ang “Have a Safe Trip, Pinas” video upang isulong ang litgtas na pagbiyahe at suportahan ang mga manggagawa sa sektor ng turismo.

Matapos ang “Noypi” tribute para sa mga medical front-liners, nagbibigay naman ang bagong video ng pagkakataon sa mga manonood na bumalik sa pamilyar, ngunit naibang lugar: ang turismo sa new normal.

Mapapanood sa video ang karaniwang eksena sa mga out-of-town trip, kasama ng mga taong nakasuot ng face masks at shields, mga naka-gloves na hospitality staff, at ang paulit-ulit na paalala na panatilihin ang physical distancing.

“More than a campaign to remind tourists to adhere to new normal guidelines, ‘Have a Safe Trip, Pinas’ shows that we can still experience the magic when traveling amid the pandemic,” pahayag ng DOT.

Tampok din sa video, ang benepisyo sa komunidad ng turismo—na sa likod ng masasayang mga karanasan ng mga bisita at mga souvenirs na kanilang iniuwi ay ang mga masisipag na manggagawa na siyang nagsasakatuparan ng lahat.

Sa huling bahagi ng video, makikita ang mga residente ng Boracay na naibalik ang kabuhayan sa muling pagbubukas ng isla.

“They truly are pleased to welcome you back, because no mask can hide a smile from the heart,” dagdag pa ng DOT.

PNA