Laro Ngayon

(AUF Gym-Angeles City,Pampanga)

6:00 n.g. -- Barangay Ginebra vs TNT

TARGET ng Barangay Ginebra na masundan ang impresiboign Game 1 win sa TNT sa pagarangkada ngayon ng Game 2 ng kanilang best-of-7 finals series sa 2020 PBA Philippine Cup.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

Bagama’t nakauna na sa serye matapos ang kanilang 100-94 na overtime win sa Game One noong Linggo, hindi babaguhin ng Barangay Ginebra Kings ang nauna na nilang napagkasunduan na ituring ang kada laro sa finals na isang knockout game.

Kaugnay nito, lahat ng pagkakataon na kanilang.masisilip at lahat ng tsansang papabor sa kanila ay hindi nila palalagpasin at kanilang sasamantalahin maangkin lamang ang titulo sa ginaganap na bubble.

Tatangkain ng Kings na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa serye ss pagtutuos nila ganap na 6:00 ngayong gabi sa Angeles University Foundation Gym. At tila umaayon ang pagkakataon sa Gins dahil nauna ng inihayag ng Tropang Giga na duda sila kung lalaro ang kanilang ace guard at ang Statistical Points leader na si Bobby Ray Parks Jr. dahil sa iniinda nitong strained calf muscle.

“Ray is highly doubtful to play in Game Two. We are hoping he could play on Friday,” ayon kay TNT coach Bong Ravena.

-Marivic Awitan