PINATUNAYAN ng batang koponan na Gilas Pilipinas na sapat ang kanilang karanasan laban sa karibal sa rehiyon.

Winalis ng Pinoy cagers ang all-pro Thailand sa two-match duel ng FIBA Asia Cup 2021 qualifier sa pamamagitan ng 93-69 dominasyon Lunes ng gabi sa Manama, Bahrain.

Kaugnay nito, nangunguna na ngayon ang Gilas Pilipinas sa Group A taglay ang malinis na markang 3-0 kasunod ang South Korea (2-0) na hindi lumahok sa bubble.

Pinangunahan ni Javi Gomez de Liaño ang nassbing panalo ng Gilas sa ipinoste nitong 19 puntos kabilang na dito ang ipinukol nyang apat na 3-pointers. Sinundan sya ng nakababatang kapatid na si Juan na nagtala ng 14 puntos, at tig-4 na rebounds at assists at si Dwight Ramos na may 13-puntos, 5-rebounds at 2-assists.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Since the lead we had in the first game was very big, we were concerned that they might take the game for granted,” ani Gilas coach Jong Uichico. “We really harped on executing the offense and playing better defense.”

“Thailand played a better game today than they did in the first game,” dagdag nito. Ang tanging hindi magandang nangyari sa kampanya ng Gilas sa second window ay ang pagtatamo ng ankle injury ni Matt Nieto sa third quarter ng kanilang ikalawang laro.

Dahil sa magandang laro na kanilang ipinakita, lahat ng 14 na miyembro ng Gilas Pilipinas squad na naglaro sa Bahrain bubble ay pawang kasama na sa mga pagpipilian upang bumuo sa koponang isasabak sa third window sa darating na Pebrero.

-Marivic Awitan