TOKYO, Japan – Hindi muna pinaglaro si Pinoy star Thirdy Ravena matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa social media account ng kanyang Japanese B League team San-En NeoPhoenix nitong Biyernes, sinabing isinailalim muna si Ravena sa ‘quarantine’ sa kanyang tinutuluyang apartment.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"On the morning of November 26th (Thursday), he reported that he was in poor physical condition, and when the temperature was measured, a fever of 38.2°C was confirmed," pahayag ng koponan.

"He reported to the Toyohashi City Health Center and at a designated medical institution under the direction of the Health Center."

Sa huling pagsusuri kay Ravena, bumaba na ang lagnat nito sa 36.9°C, at naibsan ang nadaramang sore throat at nagbalik na ang pang-amoy at panlasa nito sa pagkain.