Pinangunahan ni Philippine National Police Chief,General Debold Sinas ang blessing ng NCRPO Isolation Facility na para sa mga na-virus na mga buntis na pulis, sa Camp Bagong Diwa , Bicutan ,sa Taguig City, kamakalawa.
Sinamahan ang PNP chief nina NCRPO Regional Director Vicente Danao Jr.,mga miyembro ng Command Group, Directorial Staff, Regional Directors ng 17 Police Regional Offices at Directors ng PNP National Administrative Support Units (NASUs) at ng National Operations Support Units (NOSUs).
Ang bagong basbas na isolation facility ay gawa sa limang container vans na may 10 bed capacity,may kanya-kanyang comfort rooms, oxygen at air conditioned unit. Denisenyo ito upang i-isolate ang mga babaeng pulis na buntis,positibo sa coronavirus at mga nakararanas ng mild symptoms tulad ng hirap sa paghinga.
Ang naturang pasilidad ay magsisilbing pansamantalang bahay ng mga apektado ng virus at agad na maipagkaloob ang pangangailang emergency ng pasyenteng pulis habang naghihintay ng bakante sa ospital.
Aktibong tagapagpatupad ang NCRPO sa ganitong pinakamamagandang gawain upang bigyan ng kaukulang ayuda ang mga tauhan nito at ng kanilang pamilya.
“We are optimistic that this strategy will reduce COVID-19 cases among our personnel with the increase in our healthcare capacity. This interventions are still the best way when dealing with COVID-19,” sabi ni Gen. Sinas.
“But still, the observance of minimum public health standards set to prevent viral transmissions is critical, therefore our personnel need to strictly adhere to the minimum public health standards of wearing mask, hand hygiene, and physical distancing, upang maprotektahan hindi lang ating mga sarili, kundi pati ang mga mahal natin sa buhay o ang miyembro ng ating pamilya,” dugtong pa ng PNP chief.
-Bella Gamotea