TATLONG linggo matapos ang paglulunsad ng responde upang matulungan na matugunan ang agaran at maagang pagbangon ng mga komunidad na pinakamatinding sinalanta ng Super Typhoon Rolly, inilabas kamakailan ng United Nations at ng humanitarian partners ang isang revised Humanitarian Needs and Priorities (HNP) plan, na nagpapalawak ng suporta sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa hilagang Luzon.

Bilang suporta sa government-led response sa “Rolly” at “Ulysses”, pagtutuunan ng country-based humanitarian partners sa ilalim ng Humanitarian Country Team (HCT) ang life-saving at time-critical recovery needs ng mga tao, partikular sa mga kababaihan, mga naninirahan sa mga pinakamatinding sinalantang probinsiya ng Albay at Catanduanes sa Bicol region at sa mga pinaka apektadong lugar sa probinsiya ng Cagayan sa Cagayan Valley region.

Laman ng nirebisang HNP ang collective humanitarian activities mula Nobyembre hanggang Abril ng susunod na taon na may kabuuang funding request na PHP2.5 billion.

Ang panawagan para sa resources ay direktang aagapay sa 278,100 apektadong tao sa usapin ng pagkain, malinis na tubig-sanitasyon- hygiene (WASH) facilities, emergency shelter at kabuhayan, kalusugan at maagang pagbangon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Matapos ang pagsusuri sa pangkalahatang pangangailangan, nasa 18,100 most vulnerable people na matinding naapektuhan ng “Ulysses” sa Cagayan ang nadagdag sa orihinal na target na 260,000 tao sa Albay at Catanduanes.

Habang patuloy ang pagsuporta sa iba’t ibang ahensiya sa pagtulong sa mga nasalanta ng dalawang bagyo at sa pagsasaayos sa kondisyong kinahaharap ng apektadong populasyon, inaprubahan ni UN Undersecretary General and Emergency Relief Coordinator, Mark Lowcock, ang alokasyon na USD3.1 million (PHP150 million) para sa Pilipinas mula sa Central Emergency Response Fund (CERF).

Ang CERF funding ay iginawad sa Unicef, International Organization for Migration (IOM), at UN World Food Program (WFP), na prayoridad ang suplay ng tubig, sanitasyon, hygiene, emergency shelter, at pagkain upang matugunan ang matinding pangangailangan.

Nakamandato sa tatlong ahensiyang nabanggit sa ilalim ng CERF ang pagtuon sa life-saving assistance para sa mga most vulnerable, partikular sa mga pinakamahihirap na pamilya, matatanda at persons with disabilities sa Albay at Catanduanes.

Ang mga kaugnay namang pangangailangan, tulad ng mental health, nutrisyon at psychosocial support, Covid-19 infection prevention and control, camp management para sa malalaki at sisikang evacuation centers, at logistics ay tutugunan sa pamamagitan ng kolaboratibo at multi-sectoral na paraan. Makikipagtulungan din ang ahensiya sa mga lokal na namamahala.

PNA