WASHINGTON (AFP) — Sinabi ni President Donald Trump nitong Huwebes sa kauna-unahang pagkakataon na aalis siya sa White House kung opisyal na makumpirma na si Joe Biden ang nagwagi sa halalan ng US, kahit na sinasabi niyang “rigged” ang botohan.

Trump

Sa unang beses na pagsagot niya sa katanungan ng mga reporter mula noong botong Nobyembre 3, lumapit ang pangulo sa pagtanggap na maglilingkod lamang siya ng isang termino sa puwesto bago mainagurahan si Biden sa Enero 20.

Nang tanungin kung aalis siya sa White House kapag kinumpirma ng Electoral College ang tagumpay ni Biden, sinabi ni Trump, “Certainly I will. And you know that.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ngunit “if they do, they made a mistake,” aniya, idinagdag na, “It’s going to be a very hard thing to concede.”

“I think that there will be a lot of things happening between now and (January) 20th,” aniya.

Ang Electoral College, na tumutukoy sa nagwagi sa White House, ay magpupulong sa Disyembre 14 upang sertipikahan ang tagumpay ni Biden, sa tinanggap ni Biden na 306 na boto laban sa 232 ni Trump.