Nagpalabas na ng bagong suggested retail price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa pangunahing agricultural commodities sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ito ay sa ilalim ng DA Administrative Circular No. 17 na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar nitong Nobyembre 26.
“As changing cost structures in the supply chain require updating to allow retailers to realize reasonable profit, while ensuring that consumers are protected from profiteering. Those who fail to comply with the SRPs could be fined between P5,000 and P2 million and face imprisonment between five and 15 years,” ayon sa DA.
Ang mga lalabag sa kautusan ay maaaring isumbong sa (02) 8920-0925 at sa [email protected].
-Beth Camia