PALAYAN CITY – Inaresto ng anti-narcotics operatives ang isang 43-anyos na pinaghihinalaang pinuno ng isang drug syndicate matapos mahulihan ng P136 milyong halaga ng iligal na droga sa Marcos Village sa nabanggit na lungsod, kamakailan.
Ang suspek ay kinilala ni Lt. Col. Santos Mera Jr., hepe ng puisya ng lungsod, na si Elizalde Vicente, alyas ‘Zaldy’, 43, may-asawa, taga-Marcos Village, Palayan City.
Si Vicente ay nasa drug watchlist ng Palayan City Police Station dahil pinapatakbo nito ang “Zaldy Drug Group” sa probinsya.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Light A. Nolasco