Mga Laro Ngayon
(AUF Gym - Angeles City, Pampanga)
3:45 n.h. -- TNT vs Phoenix
6:30 n.g. -- Ginebra vs Meralco
MAPANATILI kaya ng Barangay Ginebra ang kanilang dominasyon o tuluyan ng makahulagpos ang Meralco mula sa nabuo nilang rivalry upang makapasok sa Philippine Cup finals sa unang pagkakataon sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa winner take all Game 5 ng semis sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.
Inaasahang all-out ang effort na kapwa ibubuhos ng dalawang koponan sa kanilang tapatan sa tampok na laro ganap na 6:30 ng gabi upang makamit ang pagkakataong makausad sa best-of-seven finale kontra sa magwawagi sa rubber match din ng TNT Tropang Giga at Phoenix Super LPG sa unang salpukan ganap na 3:45 ng hapon.
Nakahirit ng winner-take-all ang Bolts nang itabla nila sa 2-2 ang kanilang serye noong Miyerkules sa pamamagitan ng 83-80 na pag -ungos sa Kings sa Game 4.
-Marivic Awitan