Ni Edwin Rollon

MARAMI ang napabilib sa impresibong kampanya ng Philippine Arnis Team sa 2019 Southeast Asian Games sa Manila.

Subalit, hindi lamang ang tagumpay sa international event ang nakapukaw ng pansin sa sambayanan, bagkus ang katotohanan na ang arnis – isang natatangi at likhang Pinoy na martial arts sports – ay nararapat lamang na tangkilikin at linangin.

Ang misyon na ito ang sentro ng paksa na nais maipahatid ng documentary director na si Franco Mabanta sa kanyang ipinalabas na documentary ‘Rebirth of the Rebellion Sport’. Ipinakita sa palabas ang sakrispisyo at pagsasanay ng mga atleta, gayundin ang marubdob na hangarin ng mga opisyal at leader ng naturang sports para mapa-angat ang kalidad at kilalanin ang arnis bilang isang sports na akma sa talento at katauhan ng Pinoy.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

INILAHAD ni Senator Zubiri (kanan) ang kahalagahan ng arnis sa kultura at sports ng bansa kay documentary director Franco Mabanta.

INILAHAD ni Senator Zubiri (kanan) ang kahalagahan ng arnis sa kultura at sports ng bansa kay documentary director Franco Mabanta.

Bahagi ng programa ang panayam ni Mabanta kay Senator Juan Miguel Zubiri, Chairman at Pangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) – ang national sports sa arnis na kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Isa ring arnis master si Zubiri na naging miyembro ng National Arnis Team. Naging kampeon siya sa 1989 World Arnis Championships.

Inakdaan ni Zubiri ang Republic Act 9850, ‘the Act Declaring Arnis as the National Martial Art and Sport’.

“[Arnis] was a rebellion sport. It really was popularized and developed because of our revolution against the colonizers. Basically, this martial art helped liberate [us] during the Philippine-Spanish war, and again in the Philippine-American war. It has so much historical significance for the Filipino people, that’s why we’re trying to put that in the consciousness and awareness of every Filipino, that Arnis is not just a sport, but it’s practically in our history. It’s in our blood,” pahayag ni Zubiri

Sinimulang ipalabas ang ‘Rebirth of the Rebellion Sport’  nitong Lunes (Nov. 23) sa Migz Zubiri YouTube channel (Youtube/MigzZubiriYT).