Hindi bababa sa walong katao ang nasawi nitong Sabado nang isang barrage ng rockets ang tumama sa mataong bahagi ng Kabul, sa Afghanistan, sa panibagong malaking pag-atake sa gitna nang nagpapatuloy na karahasan sa kabisera ng bansa.

Mabilis inamin ng Islamic State (IS) group ang responsibilidad sa pag-atake, na sumakop sa iba’t ibang bahagi ng central at north Kabul—kabilang ang bahagi ng

“heavily fortified Green Zone” na tinatayuan ng mga embahada at international firms – dakong 9:00 ng umaga (0430 GMT).

Naganap ang pag-atake ilang oras bago ang pagkikipagkita ni US Secretary of State Mike Pompeo sa mga negotiators mula sa Afghan government at Taliban sa Qatari capital ng Doha sa gitna ng senyales ng magandang pagbabago hinggil sa peace talks.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa Twitter sinabi ng Iranian embassy na tinamaan ang main building ng rocket fragments matapos bumagsak ang isa sa lugar ng embahada. Masuwerte namang walang nasugatan sa loob ng compound.

Sa kabila ng pag-amin ng IS, isinisi ni interior ministry spokesman Tariq Arian ang atake sa Taliban, sa pagsasabing nasa 23 rockets ang pinakawalan ng mga “terrorists”.

“Based on initial information, eight people were martyred, and 31 others were wounded,” pahayag ni Arian, kasabay ng pagsasabing maaaring madagdagan pa ang toll.

Sunod-sunod kamakailan ang nagiging mga pag-atake sa Kabul, kabilang ang dalawang kalunos-lunos na insidente ng pag-atake sa educational institutions sa bansa na kumitil ng halos 50 katao, na sumusunod sa pamilyar na pattern matapos ng insidente, kung saan itinatanggi ng Taliban ang pagkasangkot sa krimen habang patuloy na isinisisi ng pamahalaan ang pag-atake sa grupo.

AFP