Naghain na ang US biotech giant Pfizer at German partner BioNTech ng approval nitong Biyernes para sa roll out ng kanilang coronavirus vaccine, ang unang hakbang tungo sa inaasam na ginhawa mula sa lumulobong impeksyon na nagpabalik sa pagpapatupad ng mga shutdown at nagpabagsak sa global na ekonomiya ngayong taon.

Umaasa ngayon ang mundo sa pagsalba ng mga siyentista mula sa global pandemic. Inihayag ng US Food and Drug Administration (FDA) na magpupulong na ang kanilang vaccines committee sa Disyembre 10 upang talakayin ang hiling para sa emergency use authorization.

“The FDA recognizes that transparency and dialogue are critical for the public to have confidence in COVID-19 vaccines,” pahayag ni organization’s head Stephen Hahn.

“I want to assure the American people that the FDA’s process and evaluation of the data for a potential Covid-19 vaccine will be as open and transparent as possible.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Aniya, hindi pa malalaman kung gaano katagal aabutin ang review, ngunit una nang sinabi ng federal government na posible sa Disyembre.

Tinawag naman ni Pfizer chief executive Albert Bourla ang filing bilang isang “critical milestone in our journey to deliver a COVID-19 vaccine to the world.”

Nangunguna ang BioNTech/Pfizer shot at ang isa pang idine-develop ng US firm Moderna sa paghahabol ng mundo para sa bakuna laban sa coronavirus.

Sinabi naman ni EU Commission president Ursula von der Leyen na posibleng maaprubahan ng European bloc ang dalawang bakuna bago magtapos ang taon.

AFP