Sinibak sa puwesto si Palawan Police Provincial Director Colonel Dionisio Bartolome kaugnay ng sunud-sunod na insidente ng pamamaril na ang huli ay ang pag-ambush ng riding in-tandem sa isang abogado sa Narra sa nasabing lalawigan kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng Police Regional Office 4-B (Marinduqe-Mindoro-Romblon-Palawan) batay sa inilabas na General Order No. 236, nitong Sabado (Nobyembre 21).

Paglilinaw naman ni MIMAROPA Police spokesperson Lt. Col. Imelda Tolentino, tinanggal sa posisyon si Bartolome upang bigyang-daan ang imbestigasyon kaugnay ng serye ng insidente ng pamamaril sa lalawigan.

Ang pinakahuling insidente ay ang pamamaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan habang patungo sana sa isang court hearing sa Malinao, Narra nitong Nobyembre 17 ng umaga.

National

Lynda Jumilla, inungkat '2022 Len-Len videos' dahil sa pahayag ni Sen. Imee kontra toxic campaigning

Paliwanag ni Tolentino, papalitan muna ni Col. Nicolas Torre III si Bartolome sa kanyang puwesto.

Si Torre ay dating nakatalagang Deputy Regional Director for Operations ng PRO-4B.

Itinalaga naman ni PRO-4B regional police director Brig. Gen. Nicerio Obaob si Torre na pamunuan ang Special Investigation Task Group (SITG) Magcamit.

-FER TABOY