MAKATUTULONG ang umuusbong na merkado ng pagpapalit mula petrol at diesel engines patungo sa electric vehicles (EVs) na makatipid ng $250 billion kada taon at makapagtapyas sa inaasahang paglago ng global oil demand ng hanggang 70 porsiyento, ayon sa pagtataya sa industriya kamakailan.

Habang parami nang parami ang mga bansang tulad ng China at India ang humaharap sa pagpapalago ng kanilang electic fleet, nababawasan ang pagdepende nila sa pag-angkat ng langis, kung saan inaasahan mas magiging mura na ang mga EV upang mapatakbo ng marami kumpara sa mga fossil-fuel-fired na sasakyan.

Sa isang pagsusuri sa EC cost trends sa industriya ng watchdog na Carbon Tracker, natuklasang na ang paglipat ng mga tao sa EV ay makatitipid sa China—isang world leader sa teknolohiya—ng $80 billion kada taon pagsapit ng 2030.

Ang pagtaas ng EV production ay magpapababa sa gastos na inilalaan sa pag-angkat ng langis, na sumasakop sa 1.5 percent ng GDP ng China at 2.6 percent GDP ng India.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Natuklasan din sa analysis na may kakayahang mapondohan ng EV revolution ang sarili nito sa pagbaba ng component costs paglipas ng panahon at pagtatakwil ng mga bansa sa fossil fuel infrastructure tulad ng mga pipelines at refineries na pinangangambahang matengga habang mas nagiging “greener” ang paraan ng transportasyon sa mundo.

“This is a simple choice between growing dependancy on what has been expensive oil produced by a foreign cartel, or domestic electricity produced by renewable sources whose prices fall over time,” pahayag ni Kingsmill Bond, Carbon Tracker energy strategy at lead report author.

“Emerging market importers will bring the oil era to an end.”

‘PEAK OIL’

Sinasakop ng transportasyon sa mga papaunlad na merkado ang higit 80 porsiyento ng inaasahang paglago sa oil demand pagsapit ng 2030.

Sa pagsusuri sa International Energy Agency’s business sa nakasanayang emissions scenario, natuklasan sa ulat na kalahati ng paglagong ito ay manggagaling sa China at India.

Sa kalkulasyon, ang paglipat IEA’s Sustainable Development Scenario – kung saan sumasakop ng 40 porsiyento ang EVs sa car sales ng China at 30 porsiyento sa India – babagsak ang oil demand growth ng halos 70 porsiyento ngayong dekada.

Ayon sa may akda ang pagbagsak ng 20 porsiyento sa battery costs sa isang dekada ay magtutulak ng “huge new markets” para sa paglago ng EV.

Gamit ang industry baseline figures, kinalkula ng analysis ang gastos sa pag-angkat ng langis upang mapatakbo ang isang average car sa 15-year lifetime ($10,000) nito, na mas mataas ng sampung beses ang magagastos kumpara sa magagastos sa isang solar equipment na kailangan upang mapatakbo ang katumbas na EV.

Noong 2019, umabot sa 61 porsiyento ng two-wheeler sales sa China ay mula sa EV at 59 porsiyento naman sa bus sales.

“Factor in the war on plastics hitting petrochemical demand and rising EV penetration in developed markets, it becomes ever more likely that we have seen peak oil demand in 2019,” ani Bond.

-Agence France-Presse