MATINDI ang pangangailagan ng pamilyang Pinoy sa matatag at maaasahan na internet connection. Sa pamumuhay sa tinatawag na ‘new normal’, dagdag ding pasanin ang buwanang bayad para sa cable TV.

Ang pangangailangang ito ang nag-udyok sa Radius Telecoms, MERALCO at Cignal para magtambalan at ilunsad ang RED Broadband, para maibigay sa bawat tahanan ang pinakabagong ‘unlimited’ fiber broadband at payTV services.

NILAGDAAN nina (mula sa kaliwa) Radius Telecoms COO Jenevi L. Dela Paz, MERALCO President and CEO Atty. Ray C. Espinosa, Radius Telecoms President and CEO Exequiel C. Delgado, Cignal TV President and CEO Robert P. Galang, at Cignal TV CFO John L. Andal ang Memorandum of Agreement para sa RED Broadband.

NILAGDAAN nina (mula sa kaliwa) Radius Telecoms COO Jenevi L. Dela Paz, MERALCO President and CEO Atty. Ray C. Espinosa, Radius Telecoms President and CEO Exequiel C. Delgado, Cignal TV President and CEO Robert P. Galang, at Cignal TV CFO John L. Andal ang Memorandum of Agreement para sa RED Broadband.

Sa mababang halagang P1,299 kada buwan, kagigiliwan ng pamilyang Pinoy ang serbisyo ng RED Broadband kung saan nakapakete ang unlimited fiber internet  + Pay TV plan.

ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025

Senelyuhan ang tambalan ng Cignal TV at Radius Telecoms sa nilagdaang contract agreement nina Radius Telecoms COO Jenevi L. Dela Paz, MERALCO President and CEO Atty. Ray C. Espinosa, Radius Telecoms President and CEO Exequiel C. Delgado, Cignal TV President and CEO Robert P. Galang, at Cignal TV CFO John L. Andal.

Dahil sa pandemic, higit ang pangangailangan sa mabilis at maasahang Internet access, higit at online ang gamit sa edukasyon ng mga estudyante, habang  virtual meeting sa trabaho ang mga magulang, at panonood sa telebisyon ang libangan.

Ang Radius Telecoms, Inc., subsidiary ng Manila Electric Co. (MERALCO) at tanging telecommunications carrier sa bansa na nagbibigay ng end-to-end fiber optic platform, ang nagsulong sa RED Broadband, ang pinakabago at maasahang broadband internet player sa bansa.

Kabuuang 120 channels, kabilang ang free-to-air, SD at HD, ang hatid ng Cignal TV, Inc., kung saan napapanood ang malalaking sports league tulad ng NBA, football, golf at collegiate sports na UAAP. Ang tambalan ng Cignal at Radius Telecoms ang kasagutan sa matagal nang pangangailangan ng Pinoy.