DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang bubble, kumpiyansa ang pamununa ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa ika-46th season.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, planong ilunsad ang susunod na season sa Abril 2021 o pagkatapos ng third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers at Holy Week.
Puwede aniya itong gawin bilang All-Filipino Conference dahil mahigpit pa rin ang travel restrictions sa mga foreign players.
“Most likely, we’ll have the 46th season around April, or right after the Holy Week break. We just have to play it by ear and check the condition and situation in the upcoming months,” ani Marcial.
Naging makasaysayan ang taong ito para sa PBA matapos mapatunayang kaya nilang maka survive sa anumang uri ng kalamidad o pagsubok.
Kasalukuyang nasa semifinals na ang PBA bubble na maituturing na isang malaking tagumpay.
Pag-aaralan aniya nila ayon kay Marcial ang economic climate at susuriin ang kanilang finances upang malaman kung muli silang magdaraos ng bubble o gagamit ng closed-circuit format kung saan ang movements ng players ay muls bahay lamang hanggang competition venues at balikan.
“We’ll also check the economic part of the league to determine whether we’ll use the similar bubble concept or closed-circuit format,” saad ni Marcial.
“There are really a lot of factors that we have to consider. We hope that there would be significant improvement in the country by March.”
-Marivic Awitan