Kakaibangbagong parol na may 16 na puting sinag ang nakakabit ngayon sa mga poste ng ilaw sa Maynila. Nagliliwanag din ngayon ang business district ng Makati tuwing gabi sa pailaw ng Ayala Land, isang taunang tradisyon. Nakakabit naman ang mga parol ng Caloocan sa malaking poste na nagbibigay ng liwanag sa siyudad.
Sunod-sunod ang naging pagtama sa atin ng mga kalamidad nitong mga nakalipas na linggo, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nasisilayan pa rin natin ang mga naglalakihang Christmas trees na nakatayo sa harapan ng mga mall at mga parke.
Maraming bahay na rin ang nagkabit ng kanilang tradisyunal na Nativity Scenes of the Baby na nasa sabsaban, kasama ang kanyang magulang na sina Mary at Joseph, habang nakadungaw ang mga pastol at ang Tatlong Hari.
Wala nang isang buwan at Pasko na naman sa Pilipinas, ang pinaka mahalagang tradisyon sa bansa. Isa itong religious holiday, bilang pagdiriwang sa kapanganakan ni Kristo, ngunit isa rin itong pampublikong selebrasyon. At sa bansang ito—na matagal nakilala bilang tanging Kristiyanong bansa sa Asya, hanggang samahan ng Timor Leste ilang taon na ang nakalilipas—maagang sinasalubong ang Pasko pagpasok pa lamang ng Setyembre at nagpapatuloy ang pagdiriwang hanggang sa pista ng Tatlong Hari sa Enero.
Maituturing itong taon ng sakuna, nagsimula sa COVID-19 pandemic noong Marso, na nakahawa at kumitil sa buhay ng libu-libong at naglimita sa lahat ng nakasanayang aktibidad, nagtulak sa maraming tao sa matinding kahirapan at ang bansa sa recession. Ang mga selebrasyon at relihiyosong tradisyon, tulad ng pista, Santacruzan, Mahal na Araw, Independence Day, Undas, ay naisantabi. Ngunit mas nakakaya natin ang COVID-19 pandemic kumpara sa maraming ibang bansa.
Sinalanta rin tayo sa sunod-sunod na bagyo, baha at lindol. Ngunit ang hindi natitinag ang ating tapang sa harap ng sakuna; muling itinayo ng ating mga kababayan ang kanilang nasirang tahanan at nagpatuloy sa buhay.
Nananatili pa rin ang pandemya. Hindi tayo agarang makakatanggap ng bakunang nai-develop; ang mga mayayamang bansa na may salaping pambayad dito ang unang makatatanggap. Umaasa lamang tayo na makuha ang ating bahagi sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Ngunit panahon ngayon ng Kapaskuhan, isang holiday na ipinagdiriwang nating mga Pilipino sa nakalipas na higit tatlong daang taon. Sa loob lamang ng tatlong linggo, magdaraos na tayo ng Simbang Gabi. At matapos ang siyam na araw, Pasko na.
Nalampasan natin ang pinakamatinding epekto ng pandemya. Mayroon pa tayong Pasko na higit na magpapatatag sa atin. At ipagdiriwang natin ito ng higit na mataimtim ngayon taon.