LA TRINIDAD, Benguet – Muling nakaiskor ang mga alertong tauhan ng Benguet Provincial Police Office ng mga marijuana bricks na nagkakahalaga ng P2.4 milyon mula sa checkpoint sa Tublay, Benguet nitong Biyernes ng hapon.

Inihayag ni Colonel Elmer Ragay, provincial director, bukod sa marijuana ay nasakote ang dalawang drug courier na sina Jevie Malipot Pabia, 34 at Rommel Manuel Barrientos,39, kapuwa taga Dasmariñas, Cavite.

Binanggit ni Ragay, nagsasagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) Quarantine checkpoint ang tauhan ng Tublay Police sa Sitio Betwag, Caponga, Tublay, nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng pagbibiyahe ng 20 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, dakong 2:00 ng hapon.

Naharang ang dalawa bahang lulan ng isang van (NFW-7312) na may sakay na 20 piraso ng dahon ng marijuana na aabot sa P2.4 milyon at dadalhin sana sa Baguio City mula sa Bakun sa nasabing lalawigan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Nitong Nobyembre 19, nasamsam ng Bokod Municipal Police Station PS at Philippine Drug Enforcement Agency ang 14 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng P1.6 milyon sa may Adonot, Ambuklao, Bokod sa naturang lalawigan.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda