NAGPAALALA ang World Health Organization kamakailan na hindi maaaring asahan ang pagdating ng bakuna para matapos ang ikalawang bugso ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni WHO director Michael Ryan na hindi dapat tingnan ang bakuna bilang isang “unicorn magic solution” — at ang mga bansang nakikipaglaban ngayon sa muling pag-usbong ng virus“[would once again have to] climb this mountain” nang wala ito.

“I think it’s at least four to six months before we have significant levels of vaccination going on anywhere,” pagbabahagi ni Ryan, sa isang public question and answer session live sa social media.

Sa kabila ng magandang anunsiyo mula sa ilang final-phase candidate vaccine trial, “We’re not there with vaccines yet,” paliwanag niya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Many countries are going through this wave, and they’re going to go through this wave, and continue through this wave, without vaccines.

“We need to understand and internalise that, and realise: we have got to climb this mountain this time, without vaccines.”

Nitong Miyerkules, ibinahagi ng Pfizer na sa kumpletong pag-aaral ng experimental vaccine nito, lumalabas na 95 porsiyentong epektibo ang bakuna, habang inanunsiyo ng isa pang US firm, ang Moderna na ang kandidato nitong bakuna ay 94.5 porsiyentong epektibo. Iginiit din ng Russia na ang kanilang bakuna ay higit 90 porsiyentong mabisa.

Nagbabala naman si Ryan laban sa pagbabalewala ng mga tao sa virus sa maling paniniwala na masosolusyonan na ng bakuna ang problema.

“Some people think a vaccine will be, in a sense, the solution: the unicorn we’ve all been chasing. It’s not,” paliwanag pa niya.

“If we add vaccines and forget the other things, Covid does not go to zero.”

HIRAP NG PAGLULUKSA

Bumaba na nitong nakaraang linggo ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Europe, ang unang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ngunit patuloy pa ring tumataas ang bilang ng pagkamatay sa rehiyon, mula sa datos na ibinahagi ng WHO kamakailan.

Habang nasa halos 55.6 milyong kaso na ang naitala sa buong mundo mula nang pumutok ang outbreak sa China noong Disyembre 2019, nasa higit 1.3 milyong tao na ang namatay sa coronavirus sa buong mundo, ayon sa tally na kinalap ng AFP.

Nagpahayag ng pag-alala si Ryan na dahil sa pandemiya maraming nagluluksang pamilya at mga apo ang hindi man lamang dumaan sa normal na proseso ng pagluluksa dahil sa mga restriksyong ipinatutupad upang malabanan ang virus.

“A lot of kids in this have lost grandparents,” aniya.

“There’s quite a bit of trauma out there amongst kids.

“The grieving process for kids — it’s tough, because you don’t have all the natural things: the funeral situation, you don’t get to say goodbye, you don’t have the gatherings, so it’s grieving interrupted.

“I am concerned if the child’s need to grieve the loss of a grandparent has been interrupted, because that has a lifelong impact.”

Agence France-Presse