NAGBABALA ang United Nations International Children’s Emergency Fund kamakailan sa publiko sa lumalagong epekto sa mga bata ng COVID-19 pandemic na patuloy na nagbabanta sa ikalawang taon.

Sa pagdiriwang ng World Children’s Day nitong Biyernes, iniulat ng UNICEF na ang mga sintomas ng mga nahahawang bata ay nananatiling mahina ngunit tumataas ang bilang ng impeksyon at maaari itong magdulot ng pangmatagalang epekto sa edukasyon, nutrisyon, at kapakanan ng buong henerasyon ng mga bata.

“While children can get sick and can spread the disease, this is just the tip of the pandemic iceberg. Disruptions to key services and soaring poverty rates pose the biggest threat to children,” pahayag ni UNICEF Executive Director Henrietta Fore.

“The longer the crisis persists, the deeper its impact on children’s education, health, nutrition, and well-being. The future of an entire generation is at risk,” dagdag pa ni Fore.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pagbabahagi ng UNICEF hanggang nitong Nobyembre 3, sa 87 bansa na may age-disaggregated data, ang mga batang nasa 20-anyos pababa ay tumutumbas sa isa sa bawat siyam na impeksyon sa COVID-19 o 11 porsiyento ng 25.7 milyong impeksyon na iniulat ng mga bansa.

Bagamat may kakayahang maipasa ng mga bata ang virus sa isa’t isa at sa mas matandang populasyon, may malakas na ebidensiya, na sa pamamagitan ng tamang panuntunan, higit na nakatutulong ang benepisyong dala ng pagpapanatiling bukas ang mga paaralan sa halip na isara ang mga ito, anila.

“Schools are not a main driver of community transmission, and children are more likely to get the virus outside of school settings.”

Hanggang nitong Nobyembre 20, nasa 572 milyong estudyante ang apektado sa pagsasara ng mga paaralan sa 30 bansa.

Samantala, tinatayang dalawang milyong dagdag na pagkamatay ng bata at 200,000 dagdag na kaso ng stillbirths ang naganap na loob n 12-buwan na may matinding pagkaantala sa serbisyo at tumataas na malnutrisyon.

Binigyang-diin sa ulat na sa buong mundo ang bilang ng mga batang naninirahan sa ‘multidimensional poverty’, nang walang access sa edukasyon, kalusugan, pabahay, nutrisyon, sanitasyon o tubig, ay tinatayang lumobo ng 15 porsiyento, o dagdag na 150 milyong bata sa kalagitnaan ng 2020.

“This World Children’s Day, we are asking governments, partners, and the private sector to listen to children and prioritize their needs,” ani Fore.

“As we all reimagine the future and look ahead toward a post-pandemic world, children must come first,” saad pa niya.

-Richa Noriega